^

Metro

Obrero nadukutan, naburyong umakyat sa giant billboard

-
Matapos na manakawan ng pera, isang 25-anyos na obrero ang naburyong at umakyat sa isang billboard saka nagtangkang tumalon kahapon sa McArthur Highway sa Valenzuela City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nick Pulgado, construction worker, tubong Olongapo at pansamantalang nanunuluyan sa Cavite.

Ayon sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang magsimulang magkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa nasabing lugar nang makita ng mga motorista na umakyat ang biktima sa isang billboard na may 50 talampakan ang taas.

Mabilis na nagresponde ang mga kagawad ng Valenzuela Police at Makati rescue team sa lugar kung saan umakyat ang biktima na tila wala sa sarili hanggang sa magkaroon ng negosasyon upang kumbinsihing bumaba ito.

Halos limang oras tumagal ang negosasyon, kung saan binabanggit ni Pulgado na nawalan siya ng pera.

Pasado alas-12 ng tanghali na halos inihanda na ang lahat para sa pagsagip sa biktima ay nagkusa na rin itong bumaba.

Sinabi nito sa pulisya na galing pa siya sa Cavite at sumakay ng LRT mula sa Baclaran patungong Monumento. Pagsapit nito sa Karuhatan sa Valenzuela ay napansin na lamang nito na laslas na ang kanyang bulsa at wala na ang kanyang wallet na naglalaman ng P2,000.

Sinabi ni Pulgado na padala lamang sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho ang nasabing pera at nahihiya umano siyang bumalik at magpakita sa mga ito dahil sa pagkawala ng kanilang mga pinakipadalang pera.

Bukod dito, hinahanap din umano niya ang kanyang kasintahan sa Valenzuela pero bigo pa rin siya.

Dahil dito, naisip niyang umakyat na lamang sa billboard at magpakamatay dahil sa dami ng iniisip niyang problema. Pinag-iisipan pa ng pulisya kung sasampahan pa nila ng kaso si Pulgado. (Ellen Fernando)

AYON

BACLARAN

CAVITE

ELLEN FERNANDO

NICK PULGADO

PULGADO

SINABI

VALENZUELA

VALENZUELA CITY

VALENZUELA POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with