^

Metro

MPD sinabon dahil sa "oblation run"

-
Sinabon kahapon ni Manila Prosecutors Office chief Jhosep Lopez ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa hindi pag-aresto ng mga ito sa mga kalalakihan na tumakbo ng hubo’t-hubad sa tapat ng Dela Salle University sa Taf Avenue, Manila noong Setyembre 24, 2006.

Ayon kay Lopez, mahigpit na ipinagbabawal ang oblation run sa kahit anong bahagi sa Maynila dahil na rin sa umiiral na city ordinance.

Iginiit pa nito na bagamat binibigyang laya sa loob ng campus ng UP sa Quezon City ang oblation run bilang pagpapahayag ng academic freedom of expression ay mahigpit naman itong tinututulan sa Maynila.

Isang direkta din umanong paglabag sa umiiral na criminal law ang ginawang pagtakbo ng hubo’t-hubad ng mga kinatawan mula sa UP noong Setyembre 24, 2006 habang nagsasagawa ng bar exam sa Dela Salle University.

Dapat umanong ang kapulisan o ang mga tauhan ng MPD ang unang gumawa ng hakbang sa pamamagitan ng pag-aresto sa mga nagsitakbo dahil ang mga nakibahagi umano dito ay nagkasala na sa batas magmula sa mga organizers at mga direktang participants. (Gemma Amargo Garcia)

DELA SALLE UNIVERSITY

GEMMA AMARGO GARCIA

JHOSEP LOPEZ

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MAYNILA

QUEZON CITY

SETYEMBRE

TAF AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with