Maid napagbintangang nagnakaw, nagbigti

Matapos na pagbintangang nagnakaw ng cellphone, isang katulong ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa Fairview, Quezon City.

Nakatali pa ng nylon cord nang makita ang biktima na nakilalang si Judith Aradia, 22, ng B-3 L-69 Sitio Ruby, Fairview, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ni Aradia dakong alas- 11 ng gabi sa laundry area ng nasabing bahay.

Ayon naman sa amo ng biktima na si Flor Valenzuela, posibleng sumama ang loob ng biktima nang tanungin niya ito tungkol sa nawawalang cellphone, subalit itinanggi nito na pinagbintangan niya ang biktima. Gayunman, isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang malaman kung may foul play sa pagkamatay nito. (Doris Franche)

Show comments