2 obrero natabunan ng lupa
September 11, 2006 | 12:00am
Sugatan ang dalawang obrero makaraang matabunan ang mga ito ng gumuhong lupa mula sa isang construction site, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City. Agad namang nailigtas ng rescue 161 ng lungsod at dinala sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Renato Cober, 35, ng Brgy. San Andres, Cainta Rizal at Diosdado Francisco, 44, ng Hillside Road, Rodriguez Rizal.
Batay sa ulat, naganap ang insidente alas-12:10 ng madaling-araw, habang ang mga biktima ay kasalukuyang naka-duty sa isang ginagawang mall sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangka, Marikina City. Nabatid na bigla na lamang gumuho ang lupa sa ginagawang pundasyon ng gusali at matabunan ang mga biktima. Pinalad namang may nakakita sa nasabing insidente kung kayat agad na nailigtas ang mga ito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended