^

Metro

Outdoor advertisers pumalag sa pagkalabog ng MMDA

-
Wala pang natatanggap na sulat ang pamunuan ng Outdoor Advertisers Association of the Philippines (OAAP) mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa September 15 deadline para alisin ang mga illegally installed billboards at commercial ads sa mga flyovers at overpasses ng Metro Rail Transit (MRT) sa EDSA.

Gayunman, pumalag na ang OAAP sa pagkalabog dito ng MMDA dahil sa naging sunud-sunod na aksidente sa lansangan na likha ng pagbagsak ng mga billboards na panganib sa buhay at sumisira ng mga ari-arian.

Ibinagsak naman ng outdoor advertisers ang paninisi sa kapabayaan sa trabaho ng mga opisyal ng Local Government Units (LGUs) at National Building Code officials na nagpapalusot sa konstruksiyon ng billboard frames sa lansangan.

Tahasang sinabi ni Carlo Llave, Vice Chairman ng OAAP na wala sa kanilang kapangyarihan ang mag-check ng structural safety sa mga itinatayong billboards sa kalsada.

Nilinaw naman nito na tungkulin nila na pagsabihan at paalalahanan ang mga miyembro ng OAAP na sumunod sa mga requirement na ipinatutupad ng gobyerno upang maiwasan ang pag-usbong ng anumang problema sa kanilang negosyo.

Ayon kay Llave, tumutupad sila sa mga regulasyon ng itinatayong mga billboards sa lansangan ng Metro Manila dahil nakikipag-ugnayan sila sa Department of Public Works and Highways at City Municipal Engineering offices.

Nabatid kay Structural Engr. Rey Taruc, miyembro ng National Structural Code of the Philippines, dapat aniya na ang mga billboards ay matibay at kayang tumayo sa gitna ng kalamidad subalit iginiit din na ang pagsusuri nito kaugnay sa stability ay nasa panig ng mga building officials. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CARLO LLAVE

CITY MUNICIPAL ENGINEERING

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

LOCAL GOVERNMENT UNITS

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METRO RAIL TRANSIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL BUILDING CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with