Kinilala ang mga biktima na sina Alvin Buencamino, Sheriff III ng Caloocan City Metropolitan Trial Court (CCMTC), Branch 53, at mga tauhan nito na sina Rodrigo Aguiling, 40; Robert Canunoy, 48; Michael Cacusi, 26; Ernie dela Cruz, 24; at Mark Joseph Aloba, 21.
Nahaharap naman sa kasong indiscriminate firing at physical injuries ang suspect na si PO2 German Rogelon, nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng Gemini St., Araneta Avenue, Pangarap Village, Brgy. 181, Caloocan City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:20 ng hapon nang mangyari ang nasabing insidente sa tirahan ng suspect. Nabatid na kasalukuyang ipinapatupad ni Buencamino at mga tauhan nito ang inisyu na writ of execution ng korte para sa paggiba ng bahay ng suspect nang biglang dumating ang huli at magwala kasabay ng walang habas na pagpapaputok nito ng kanyang .9mm service pistol.
Sa sobrang gulat ay nahulog ang mga biktima mula sa bubungan ng ginigibang bahay ng suspect dahilan upang masugatan ang mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)