MPD cops vs Quiapo vendors: 7 sugatan
September 10, 2006 | 12:00am
Pito ang nasugatan, kabilang ang isang vendor at anim na miyembro ng Manila Police District-District Intelligence and Investigation Division (MPD-DIID) sa naganap na sagupaan ng magkabilang panig matapos ang isinagawang raid ng mga awtoridad sa pornographic materials sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.
Base sa ulat ni Supt. Romulo Sapitula, hepe ng DIID, bandang alas-10 ng umaga nang i-dispatch niya ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng Arlegui corner Gunao St., Quiapo para sa isang anti-smut at pornographic material operation dahil sa reklamo ng mga religious group na talamak at lantaran ang bentahan ng mga porno VCDs at DVDs sa nasabing lugar.
Subalit habang kinukumpiska na umano ng mga operatiba ng DIID ang mga pornographic materials ay bigla na lamang dumating ang isang grupo ng mga kalalakihan at bigla na lamang nagpaulan ng mga bato at bote, dahilan upang umatras ang grupo ng una.
Habang umaatras umano ang mga operatiba ng DIID ay mayroon pang isang grupo ng mga kalalakihan na dumating na armado ng mga patalim, bato, bote at mga pamalo at nakisali sa naunang grupo.
Nasa kalagitnaan ng kaguluhan nang bigla na lamang umanong inagaw ng dalawang hindi kilalang lalaki ang baril ni PO2 Ritchie Yapit kayat nagkaroon ng agawan sa pagitan ng mga ito hanggang sa makarinig na lamang umano ng sunud-sunod na putok sa gitna ng kaguluhan.
Bunsod nito kayat napilitan na rin umanong magpaputok ang mga operatiba ng DIID bilang warning shot.
Matapos ito ay duguang bumulagta si Edris Manggis, isang vendor na tinamaan ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa PGH, samantalang ginagamot din sa Ospital ng Maynila sina PO2 Russel Antonio, PO2 Reynaldo Mallari, PO2 Cornelio Vicente, PO2 Gregorio Lopez, PO2 Mark Anthony Vitales at PO2 Yapit na nasugatan dahil sa nasabing insidente. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest