‘Tulak’ na Chinese, arestado

Isang 21-anyos na Chinese national na miyembro ng isang "transnational" na sindikato ng droga ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa isinagawang buy-bust operation sa Binondo.

Nakilala ang suspect na si Richard Chua o Ji Cai Chua, ng 493 Nueva St., Ongpin, Binondo. Nabatid sa intelligence report na miyembro ng isang "transnational drug syndicate" ang suspect na nag-ooperate sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon sa ulat, dinakip si Chua matapos na iabot ang dalawang pakete ng shabu at tanggapin ang marked money buhat sa asset ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Nueva St., Ongpin. (Danilo Garcia)

Show comments