^

Metro

‘Iyo ang Cavite, akin ang Maynila!’ – Lacuna

-
Ito ang ipinahayag kahapon ni Manila Vice Mayor Danilo Lacuna, matapos na magpahayag ng interes si Senador Panfilo "Ping" Lacson na tumakbong alkalde ng Maynila sa 2007.

"Hindi alam ni Lacson ang tunay na problema sa Maynila, hindi siya talagang taga-rito, kung ako kay Senador Lacson, hayaan na lamang niya ang Maynila sa mga tunay na Manileño," ayon pa sa isang pulong-balitaan na ipinatawag nito sa Manila City Hall.

Reaksiyon ito ni Lacuna nang tuluyan nang magparehistro si Lacson bilang registered voter ng Maynila sa Comelec at magpatawag ng pagpupulong sa mga lider ng 3rd district ng lugar na Chinese Community sa Savory restaurant kamakalawa. Kasunod nito, inilabas din ni Lacuna ang isinagawang survey ng City Council nitong June 2006 na nagpapakita ng pangunguna nito laban sa walong aspirant candidate, sumusunod lamang sina Senador Alfredo Lim at Lacson.

Ayon kay Lacuna, bagamat kinatatakutan niya ang pagpasok ng mga politikong taga-labas gaya ni Lacson, mas nakikita niyang ‘banta’ ang sinumang iendorso ni Mayor Lito Atienza. Sa kabila nito, hindi naman inaalis ni Lacuna ang pagkakaroon ng pagsasanib ng puwersa nila ni Mayor Lito Atienza sa darating na halalan. (Gemma Amargo-Garcia)

CHINESE COMMUNITY

CITY COUNCIL

GEMMA AMARGO-GARCIA

LACSON

MANILA CITY HALL

MANILA VICE MAYOR DANILO LACUNA

MAYNILA

MAYOR LITO ATIENZA

SENADOR ALFREDO LIM

SENADOR LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with