Obrero natusta sa kuryente

Natusta ang isang 42-anyos na obrero makaraang aksidenteng makuryente ito habang nagkakabit ng kuryente sa poste ng Meralco, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nasawi noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Nelson Cruz, residente ng 130 Celia 2, Brgy. Bayan-bayanan, nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa may kahabaan ng Gen. Luna St., Malabon City.

Nabatid na kasalukuyang nagkakabit ng kable ng kuryente ang biktima nang madikit ito sa tinalupang live wire dahilan upang pumasok sa kanyang katawan ang mataas na boltahe ng kuryente sanhi upang magtamo ito ng 3rd degree burn sa katawan na ikinatusta at ikinasawi nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments