Nursing student patay sa parak
August 12, 2006 | 12:00am
Nasa hot water ngayon ang buong University Belt Police Community Precinct ng Manila Police District-Station 4 matapos na mabaril at mapatay ng isa umano nilang tauhan ang isang nursing student sa paghabol nito sa isang grupo ng mga holdaper, kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Pinaghahanap na ngayon ang hindi pa nakikilalang pulis na nakabaril at nakapatay sa biktimang si Marie Garce Raymundo, 28, estudyante ng National University at residente ng Louis Francisco Subdivision, Venteriales, Valenzuela City.
Itinatanggi naman ni Sr. Inspector Enrique Degalan, hepe ng University Belt PCP na tauhan nila ang naturang pulis na nakabaril sa biktima. Tumanggi naman ito na ipakita ang larawan ng mga pulis na nakatalaga sa istasyon upang kilalanin ng mga saksi.
Base sa inisyal na ulat, dakong alas-6:45 ng gabi kamakalawa nang magkaroon ng habulan sa panulukan ng Loyola at Paredes St. sa Sampaloc, Maynila. Hinahabol umano ng pulis ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo na sinasabing suspect sa panghoholdap.
Nagpakawala ng warning shots ang pulis upang pigilan ang pagtakas ng mga suspect ngunit minalas na si Raymundo na nakatayo lamang sa lugar ang tinamaan.
Nakauniporme pa ang pulis nang maganap ang insidente, na bigla na ring tumakas matapos mabatid na may tinamaan siyang bystander. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended