Stude, nagbigti sa puno ng aratiles
August 7, 2006 | 12:00am
Patay na nang matagpuan ang isang 19-anyos na estudyante makaraang magbigti ito sa isang puno ng aratiles, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jan Michael del Rosario, residente ng 343 Bagong Silang St., Brgy. Nangka, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa puno ng aratiles na malapit sa kanilang bahay gamit ang isang alambre ng kanyang ipinulupot sa kanyang leeg, habang ang dulo nito ay kanya namang itinali sa isa sa mga sanga ng nasabing puno.
Nabatid na bago ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima ay nakipag-inuman pa ito kasama ang isang kaibigan na hindi nababanggit ang pangalan.
Nabanggit umano ng biktima ang labis na pagkasiphayo nito ng kanyang pag-ibig sa isang dalagang kapitbahay na sinasabing naging ugat ng pagbibigti nito. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended