^

Metro

3 miyembro ng ‘Otso Pares gang’, timbog sa aktong nanghoholdap

-
Bumagsak   sa  kamay ng  mga elemento  ng Quezon City Police District (QCPD)  ang tatlong  miyembro ng   kilabot na "Otso  Pares  gang" na responsable  sa  serye  ng  highway robbery sa  kahabaan ng EDSA kahapon  ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Roger  James Brillantes  ng District Intelligence  and Investigation Division  (DIID)  kay QCPD Director, Chief Supt. Nicasio  J. Radovan Jr, kinilala ang  mga nasakoteng holdaper na sina Rolando Javier, Edwin Rasonable at Rodney Abbas.

Napag-alaman  na ang mga  suspek ay responsable umano sa pagpaslang sa  isang pulis  na nakatalaga  sa Camp Crame at sa  serye ng  highway robbery  sa NLEX at  sa  kahabaan ng EDSA. Dakong alas-7 ng umaga  kahapon nang  makarating ang impormasyon  sa QCPD-DIID  na lulan  ang tatlong  suspects  sa Corinthian Bus  PWR-459 na galing Bulacan patungong Baclaran at  inabangan  ng  QCPD secret  marshall sa EDSA sa Balintawak, Quezon City.

Habang  nakaposte sa loob  ng aircon bus  sa  bawat  kanto ang  mga  tauhan  ng DIID, pagsapit  sa paanan  ng Guadalupe bridge, bigla  na  lamang  nagdeklara ng holdap ang  mga  suspect  at habang nililimas ang salapi at cellphones ng mga pasahero ay agad naman silang dinamba at dinakip  ng mga  awtoridad. Nakumpiska sa mga holdaper ang mga patalim, baril, mga salapi at  alahas  na kinulimbat  nila  sa  mga pasahero ng bus. Nakapiit na sa DIID detention cell ang mga suspect at takdang kasuhan kaugnay ng ginawang panghoholdap. (Angie dela Cruz)

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CORINTHIAN BUS

DISTRICT INTELLIGENCE

EDWIN RASONABLE

INVESTIGATION DIVISION

JAMES BRILLANTES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with