^

Metro

3 holdaper patay sa shootout

-
Tatlong kilabot na holdaper na pawang may ID ng Revolutionary Arm Movement (RAM) at Guardians ang nasawi makaraang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng pulisya, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni Supt. Popoy Lipana, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID) ang mga nasawi na sina Victor Pamos; Odelon Manzano at Edrid Caparida, pawang mga taga-Pandacan, Manila, habang dalawa pa nilang kasamahan ang mabilis na nakatakas.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 5:00 ng umaga sa may Pluto St., Brgy. Bahay Toro, Congressional Road, Quezon City.

Nabatid na bago ang nasabing shootout ay hinoldap ng mga suspek ang isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) station sa may Araneta Avenue.

Agad namang naireport ito sa pulisya na mabilis na rumesponde sa holdapan.

Inabutan pa ng mga pulis ang mga suspek sa aktong hinoholdap ang nasabing LPG station kung kaya kinumbinsi nila itong magsisuko.

Subalit imbes na sumuko ay nanlaban pa sa mga awtoridad at nagpaputok ng baril habang nagtangkang tumakas.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na makipagpalitan ng putok ng baril kung saan tatlo sa mga suspect ang agad na bumulagta at napatay.

Mabilis namang nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan.

Patuloy ang manhunt operation laban sa dalawa pang tumakas. (Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

ARANETA AVENUE

BAHAY TORO

CONGRESSIONAL ROAD

EDRID CAPARIDA

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

ODELON MANZANO

PLUTO ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with