Shootout: 1 patay, 6 arestado
July 20, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 19-anyos na lalaki habang arestado naman ang anim pang hinihinalang mga holdaper matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD), kamakalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.
Nakilala ang nasawi na si Ali Bangcolo, residente ng Globo de Oro, Quiapo, habang nakilala naman ang mga nadakip na sina Amir Casan, Anzon Asan, Jomar Omar, Othing Ulangkaya, Vibencio Tapican at Akman Pinto.
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, isang tawag ang kanilang natanggap na isang grupo ng armadong kalalakihan ang nagpupulong sa may Quiapo Bridge. Dahil dito, agad na tinungo ng pulisya ang lugar na hindi pa nakakalapit ay sinalubong na ng pagpapaputok ng baril ng mga suspect.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng putok. Tumagal ng ilang minuto ang putukan hanggang sa tamaan si Bangcolo habang napilitan namang sumuko ang anim na mga suspect.
Base sa impormasyon na natanggap ng pulisya, sangkot umano ang mga suspect sa ibat-ibang mga krimen tulad ng murder, homicide at robbery holdup sa Quiapo at Sta. Cruz.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban sa mga suspect. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended