Ito ang direktibang ipinadala kahapon ng DoJ kay BuCor director Vicente Vinarao na nagsasaad sa pansamantalang pagkansela ng pagpapa-ospital sa lahat ng preso na nasa NBP.
Kasunod ito sa naganap na pagpuga ng limang bilanggo buhat sa medium security compound matapos na magpa-check-up sa pagamutan sa loob ng nasabing piitan.
Sinabi pa ng Kalihim na papayagan lamang na makalabas ng NBP ang isang bilanggo para magpa-ospital kung malala o urgent/ emergency na ang kalagayan nito.
Kasabay nito, ipinag-utos din ni Gonzalez na isailalim sa technical arrest ang mga prison guards na responsable sa nasabing insidente upang masampahan ng mga kasong kriminal at administratibo. Maliban pa rito ipinasasailalim din sa preventive suspension ang mga opisyal na nagpabaya, habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kaso. (Ludy Bermudo)