Taxi driver hinoldap na, pinaslang pa

Isang 55-anyos na driver ang iniulat na hinoldap at saka pinatay at tinangayan pa ng kanyang minamanehong taxi, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Alfredo Fontanilla, ng Payatas, Quezon City sanhi ng tinamong tatlong saksak sa dibdib at balikat.

Ayon sa mga residente sa Girayan Looban, Doña Imelda Subdivision, Araneta Avenue na una silang nakarinig ng malakas na pagsigaw at paghingi ng tulong dakong ala-1 ng madaling-araw.

Nang tingnan nila ang pinanggalingan ng boses ay doon nila nakita ang nakahandusay ng biktima.

Nabatid na bukod sa tinangay ang taxi na minamaneho ng biktima ay tinangay din ng mga suspect ang ilang gamit at perang kinita ni Fontanilla. (Angie dela Cruz)

Show comments