Sinabi ni Sen. Pimentel, hindi ito ang nakikitang sagot upang maaprubahan ang 2006 budget kundi dapat ay magkaroon ng rasonableng compromise agreement ang kinatawan ng Kamara at Senado sa bicam kaugnay sa mga panukalang budget cuts.
Aniya, ang pagkabigong magkaroon ng 20006 budget ay malaking epekto sa DepEd, DSWD, DOST at DAR na talagang kailangan ang karagdagang pondo.
Naniniwala si Pimentel na malulutas ang deadlock kung hindi makikialam ang Malacañang at pababayaan na lamang ang bicameral conference committee na magkaroon ng compromise para sa mga dapat bawasan ng pondo sa mga ahensiya ng pamahalaan. (Rudy Andal)