^

Metro

Dahil sa masamang titig, mister inatado

-
Naging ugat ng maagang kamatayan ng isang 37-anyos na mister ang umano’y masamang titig nito makaraang ataduhin ito ng saksak ng "tres kantos" na patalim ng kanyang lasing na kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Namatay noon din ang biktimang si Renato Callejo, residente ng 52-A, Buklod ng Nayon St., Sangandaan, nabanggit na lungsod sanhi ng mga tama ng "tres kantos" sa kanyang mga balikat at dibdib.

Agad namang naaresto ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang suspect na si Rosalino Turno, 38-anyos, binata, obrero at kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat nina PO3 Arnel de Guzman at PO2 Ferdinand Naval, kapwa may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa harap mismo ng barangay hall ng Barangay 8 sa Buklod Nayon St., Sangandaan, Caloocan City.

Kapwa umano lasing na naglalakad sa nabanggit na lugar ang suspect at ang biktima na hindi sinasadyang nagkatitigan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Agad namang namagitan ang mga naka-duty na barangay tanod at inawat ang mga ito, subalit lingid sa kaalaman ng mga una ay sinundan ng suspect ang biktima at agad na tinarakan ng sunod-sunod na saksak sa dibdib at balikat hanggang sa masawi ito.

Makaraan ang pamamaslang ay tinangka pang tumakas ng suspect subalit naagapan ito ng mga nagpapatrulyang barangay tanod. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARNEL

BUKLOD NAYON ST.

CALOOCAN CITY

FERDINAND NAVAL

NAYON ST.

RENATO CALLEJO

ROSALINO TURNO

ROSE TAMAYO-TESORO

SANGANDAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with