Nakilala ang mga nasugatan na sina Mario Indiano, 42; Dia Mael, 23; Heidi Mungcal, 23; at ang fire volunteer na si James Lawig na nabagsakan ng kahoy habang inililigtas ang isang babaeng nakulong sa kanilang bahay.
Ayon kay Salvador Norberto Jr., ng Bureau of Fire Protection sa Pasig City nagsimula ang sunog dakong alas-4:30 ng hapon sa bahay ng isang Eliseo Goyon na matatagpuan sa kanto ng Caliwag at Esguerra Sts. sa Brgy. Pinagbuhatan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na bigla na lamang umanong pumutok ang kable ng kuryente sa loob ng bahay dahilan nang pagliliyab sa parteng kusina.
Dahil sa karamihan sa bahay na nakatirik sa nasabing lugar ay pawang gawa sa kahoy ay mabilis na kumalat ang apoy na ikinatupok ng halos 200 kabahayan.
Umabot ang alarma ng sunog sa Task Force Delta at idineklara itong under control dakong alas-6:35 ng gabi.
Umaabot naman sa P5 milyon ang naabong ari-arian sa naganap na sunog.
Pansamantalang inilikas ang mga biktima ng sunog sa isang basketball covered court sa nasabing barangay. (Edwin Balasa)