Halos hindi na makilala pa ang mga bangkay ng mag-asawang Johnson Dy, 40; ang misis nitong si Pinpin, 30; mga anak na sina Snow, 5 at Sky, 1 nang matagpuan matapos ang naganap na sunog. Makalipas ang anim na oras narekober na rin ang bangkay ng yaya na si Vicky Torrecampo, 50.
Ayon sa inisyal na ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa townhouse ng pamilya Dy sa No. 50-N Miami St., Don Jose St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.
Bigla na lamang sumiklab ang apoy sanhi ng faulty wiring sa entertainment room ng pamilya Dy sa ikalawang palapag ng townhouse hanggang sa mabilis na kumalat ang apoy pataas na naging sanhi sa pagkakakulong sa mga biktima.
Ayon sa isa pang nakaligtas na yaya na nakilalang si Erika Espartero na naramdaman niya habang siya ay natutulog ang matinding init kung kaya mabilis siyang bumangon at agad na lumabas ng bahay kung kaya siya nakaligtas.
Nadamay din sa naganap na sunog ang ilang unit ng townhouse na katabi ng unit ng pamilya Dy. Umabot habang 4th alarn ang sunog.
Sa kabila nito, nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman kung may foul play sa naganap na sunog.