Nasawi sa pag-ibig, binata nagbigti

Dahilan sa umano’y kasawian sa pag-ibig, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 20-anyos na binata, kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni Police Chief. Insp. Alejandro Yanquiling ng Manila Police District (MPD) homicide section ang biktimang si Jovito Biasura, 20, residente ng Estero de Lorenzo Ruiz, nabanggit na lungsod.

Ayon kay Gng. Delia Biasura, ina ng biktima na bago ang pagpapakamatay ng huli ay dalawang araw na umanong napapansin ng una ang hindi pagkibo ng anak at palagi rin umano itong tulala.

Lumalabas sa isinagawag imbestigasyon na isang oras ng patay ang biktima nang matagpuan ito dakong ala-1 ng madaling-araw. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments