Ito naman ang binigyan-diin ni National Security Adviser Norberto Gonzales, chairperson ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas bunsod na rin ng indikasyon na ang mga "underground armed communist" ang responsable sa pamamaslang sa mga miyembro ng NPA at iba pang militanteng grupo upang mawala sa kanilang landas ang mga itinuturing na "espiya" para sa gobyerno.
Ayon kay Gonzales, ang naganap na pagpatay ng CPP sa libu-libong miyembro nito noong 70s at 80s ay pagpapatunay lamang ng kawalang awa at walang pagpapahalaga sa buhay ng grupo ni Joma Sison.
Matatandaan na noong Huwebes lamang ay dalawang lider muli ng Bayan Muna sa Echague, Isabela ang inambus kung saan unang ibinintang sa military habang nawawala naman si Philip Limjoco na miyembro ng NPA. Lumilitaw sa talaan ng Bayan Muna na umaabot na sa 21 ang miyembro nila na napapaslang mula taong 2001. (Doris Franche)