^

Metro

PNP full alert sa Labor Day

- Joy Cantos -
Isasailalim sa "full alert status" ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong puwersa nito sa Metro Manila kaugnay sa posibleng kaguluhan na maaaring ilunsad ng grupo ng mga raliyista sa Araw ng Paggawa kasabay ng ikalimang anibersaryo ng Malacañang seige sa Mayo 1.

Ang full alert status ay ipapatupad ng PNP sa araw ng Lunes sa mismong selebrasyon ng Labor Day na inaasahang dadagsain ng tinatayang mahigit 500,000 miyembro ng militanteng grupo at mga manggagawa.

Sa panayam kay NCRPO chief Director Vidal Querol na inalerto na niya ang limang Police District, Regional Special Action Force (RSAU, Light Reaction Unit at Special Weapon and Tactics (SWAT) upang supilin ang mga karahasan,

Sinabi ni Querol na aabot sa 2,000 pulis ang kanilang ipapakalat sa Labor Day subalit ito’y posibleng umabot ng 10,000 o higit pa depende sa magiging kaganapan.

Nauna nang binuhay ng PNP base sa direktiba ni PNP Chief Director Gen. Arturo Lomibao ang Task Force Manila Shield bilang puwersang pantapat sa magugulong street protest.

Samantalang, maging ang Civil Disturbance Management Contigent (CDMC) mula sa Police Regional Office (PRO’s) 1,2,3, 4 at 5 at ang augmentation force mula sa AFP-National Capital Region Command ay sasaklolo sa Task Force Manila Shield sa pangangalaga ng peace and order sa Mayo 1.

Sinabi ni Querol na personal niyang isusuperbisa at pangangasiwaan ang operasyon ng Task Force Manila Shield na binubuo ng limang task force.

Binigyang diin ni Querol na paiiralin nila ang "no permit, no rally policy" sa Labor Day, irerespeto ang karapatang pantao at karapatan ng malayang pagpapahayag ng mga demonstrador basta’t wala lamang nalalabag ang mga ito.

ARTURO LOMIBAO

CHIEF DIRECTOR GEN

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT CONTIGENT

DIRECTOR VIDAL QUEROL

LABOR DAY

LIGHT REACTION UNIT

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION COMMAND

QUEROL

TASK FORCE MANILA SHIELD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with