Joy ride: 1 dedo, 3 sugatan
April 25, 2006 | 12:00am
Durog ang ulo ng isang 18-anyos na binata, habang malubha namang nasugatan ang tatlong iba pa makaraang tumalsik ang una palabas ng sinasakyang tricycle at minalas pang makaladkad ng isang rumaragasang gas tanker sa panulukan ng Aurora Blvd. at Gilmore St., Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Idineklarang dead-on-arrival sa UERM Medical Center ang biktimang si Reynaldo Layug, 18, driver, ng #61 Harvard St., Cubao sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa kanyang ulo at katawan.
Samantala, malubha namang nasugatan ang mga kasamahan nitong sina Jinalyn Arboleda, 18, estudyante; Anjo Penigan, 13; at Shaira Cruz, 15, at sinasabing siyang nagmamaneho ng tricycle na may plakang PY-3180.
Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:25 ng madaling-araw sa panulukan ng Aurora Blvd. at Gilmore St.
Lumitaw sa imbestigasyon na minamaneho ni Cruz ang naturang tricycle kasama ang mga kaibigan at pagsapit sa Gilmore St. ay biglang sumulpot ang isang gas tanker na hindi naplakahan at sinalpok ang huling bahagi ng tricycle na nakaladkad pa ito ng ilang metro.
Dahil sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon umano palabas ng tricycle ang biktimang si Layug at minalas na makaladkad pa ng nasabing truck. Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya upang matukoy ang nagmamay-ari ng nasabing truck. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended