^

Metro

Estapador na pastor, timbog

-
Inaresto ng mga tauhan ng QCPD-Kamuning Police Station ang isang pastor na umano’y hindi nagbayad ng upa sa mga inarkilang pampasaherong jeep patungong Amoranto Stadium sa ginanap na prayer meeting noong Sabado sa Quezon City.

Kinilala ni Sr. Insp. Feliciano Llorico, hepe ng SIIB ang suspect na si Pastor Oscar Jaban, Jr., 56, ng Jesus Victory Crusade. Nahaharap ito sa kasong estafa at kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Supt. Mario Soriano, inarkila ni Jaban ang may 40 pampasaherong jeep upang maghatid ng mga deboto sa gagawing healing prayer sa nasabing stadium sa Don Alejandro Roces Ave. Brgy. Roxas District, Quezon City noong Sabado de Gloria.

Subalit hanggang sa matapos ang prayer meeting ay hindi pa rin ibinibigay ni Jaban ang bayad sa mga driver na nagkakahalaga ng P1,200 bawat isa.

Idinahilan ng suspect na ang perang pambayad sa mga driver ay manggagaling pa sa isang dayuhan na manggagamot din sa nasabing krusada.

Hindi naman tinanggap ng mga biktima ang dahilan ni Jaban at sa halip ay humingi ng tulong sa pulisya at inireklamo ng estafa. (Doris Franche)

AMORANTO STADIUM

DON ALEJANDRO ROCES AVE

DORIS FRANCHE

FELICIANO LLORICO

JABAN

JESUS VICTORY CRUSADE

KAMUNING POLICE STATION

MARIO SORIANO

PASTOR OSCAR JABAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with