Indian national, kinasuhan sa P52M ketamine
April 10, 2006 | 12:00am
Pormal na sinampahan ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ), ang isang Indian national na nahuling nag-iimbak ng tinatayang P52 milyong halaga ng liquid ketamine sa kanyang bahay sa Parañaque City.
Inirekomenda ni State Presecutor Florencio dela Cruz Jr., ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 11, Article 11 o possession of dangerous drugs ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Harris Abichandani, residente ng 12 Hamburg St., Merville Subd., nabanggit na lungsod.
Nabatid na sinalakay ng mga ahente ng NBI at PDEA ang bahay ng suspect noong Pebrero 15, 2006 at nakumpiska ang may 53,000 vials ng liquid ketamine na sangkap sa paggawa ng shabu at 10 strips ng ipinagbabawal din na gamot na stilnox. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended