^

Metro

Crackdown vs colorum na language schools, inilunsad

-
Nagsagawa ng crackdown ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga fly-by-night language schools na nagsasagawa ng illegal na operasyon at tumatanggap ng mga dayuhang estudyante kung saan walang mga study permit at visa mula rito.

Dahil dito’y sinuspinde ng BI ang pagpoproseso ng application sa pagbibigay ng accreditation sa mga language schools sa bansa dahil sa pagdami umano ng mga colorum language learning centers sa Metro Manila at katabing lalawigan.

Sinabi ni BI Executive Director Roy Almoro na ipinag-utos na ni BI Commissioner Alipio Fernandez Jr. sa BI Student Desk na ihinto ang pag-iisyu ng nasabing application at permit ng naturang paaralan. Subalit ipinaliwanag ni Almoro na ang naturang suspension order ay hindi sakop ang mga paaralan ng kolehiyo, unibersidad at mga schools of higher learning na kinikilala ng pamahalaan at may akreditasyon sa BI.

Dahil din sa paglobo ng bilang ng mga colorum language schools ay bubuo ang BI ng Special Task Force laban sa mga ito na kinabibilangan ng mga immigration legal officers at intelligence operatives na siyang huhuli sa mga ito. (Grace Amargo-dela Cruz)

ALMORO

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ JR.

DAHIL

EXECUTIVE DIRECTOR ROY ALMORO

GRACE AMARGO

METRO MANILA

SPECIAL TASK FORCE

STUDENT DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with