^

Metro

Coast Guard umalerto sa ‘floating shabu lab’

-
Nakaalerto na ngayon ang buong puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay sa karagatan, partikular na sa Manila Bay, matapos ang ulat na gumagamit na ngayon ang mga sindikato ng droga ng mga "floating shabu laboratory" upang malayang makapag-manufacture ng shabu sa bansa.

Sinabi ni PCG spokesman, Lt. Commander Joseph Coyme na inalerto na ni Vice-Admiral Arthur Gosingan ang lahat ng puwersa upang masusing magbantay sa mga nakahimpil na mga lantsa at barko sa gitna ng karagatan.

Ito’y matapos iulat ni PNP Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) commander, C/Supt. Marcelo Ele na bagong modus operandi ngayon ang ginagawa ng mga sindikato matapos ang sunud-sunod na pagsalakay sa mga shabu laboratory sa lupa na inumpisahan noong panahon pa ni retired Gen. Ricardo de Leon.

Sinabi naman ni Coyme na makikipag-ugnayan sila sa mga may-ari ng mga lantsa sa bansa at mas pahihigpitan ang pagbabantay sa karagatan matapos ang naturang ulat.

Matatandaan na naging sunud-sunod ang pagsalakay ngayon ng PNP at NBI sa mga hinihinalang shabu tiangge sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan nabatid na malaki pa rin ang supply ng shabu sa kabila ng pagkalagas ng mga shabu laboratory. (Danilo Garcia)

COMMANDER JOSEPH COYME

COYME

DANILO GARCIA

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

MANILA BAY

MARCELO ELE

PHILIPPINE COAST GUARD

SINABI

VICE-ADMIRAL ARTHUR GOSINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with