1 dedo, 3 sugatan sa pamamaril
March 26, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang estudyante, habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ang mga ito ng isang grupo ng mga kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Kinilala ang biktima na kaagad na binawian ng buhay na si Royton Carandang, 20, binata, taga-Bayabas St., Sampaloc Site II, Brgy. BF, Parañaque City, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Ginagamot naman sa Parañaque Medical Center ang tatlong kasamahan nito na sina Michael Tan, 27, binata, isang optometrist; Estrellita Carandang, isang nurse; at Mariafe Carandang, 33, isang retarded, pawang residente ng nabanggit na lugar.
Isa naman sa mga suspect na nakilalang si Diego Verallo, 32, may-asawa, nakatira sa Calamansi St., Purok 5, Phase 2, Brgy. BF, ng lungsod na ito ang nadakip ng pulisya.
Sa imbestigasyon ng Parañaque City police, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi, habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa harapan ng isang sari-sari store, isang grupo ng mga kalalakihan ang sumalakay at walang sabi-sabing nagpaulan ng mga bala.
Nagresulta upang tamaan ang mga biktima, na ikinasawi ni Carandang at lubhang pagkasugat ng tatlo pa. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest