Nagtamo ng 4th degree burn at hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Edmund Arellano, ng Adelfa St., Merville Subd., Tanza, nabanggit na bayan.
Batay sa ulat ni PO3 Rafael Espadero, may hawak ng kaso dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob mismo ng kuwarto ng biktima.
Bago ang insidente ay isa sa mga kaanak ng biktima ang nakaiwan ng lighter sa kuwarto ng huli na ginamit nito sa pagsilab sa kanyang kama.
Huli na nang mapansin ng mga kasambahay ng biktima ang nangyayaring sunog sa loob ng kuwarto nang marinig ang paghuhumiyaw nito sanhi ng matinding apoy dulot ng nasusunog na kutson ng kanyang kama.
Hindi naman umano agad nakalabas ang biktima dahil sa nakasara sa labas ang pinto ng kuwarto nito.
Inamin naman sa pulisya ng mga kaanak ng nasawi na mahigit sa tatlong taon ng may kapansanan sa pag-iisip si Edmund at kapag sinusumpong ito ay nagiging bayolente kung kayat ikinukulong nila ito sa kanyang kuwarto. (Rose Tamayo-Tesoro)