Ayon kay Castelo, ang kanyang hakbang ay bunsod na rin ng lumalawak na pangangailangan ng mga call center hindi lamang sa lungsod kundi sa buong bansa.
Sinabi ni Castelo na ang information technology ay isa sa mga tagatulak ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya.
Ipinaliwanag nito na sakaling may sapat na training para sa call center agent ang mga graduates hindi na mahihirapan pang sumabak ang mga ito sa mga pagsubok ng papasukang kompanya.
Ito na rin ang magiging solusyon upang unti-unting maibsan ang mataas na unemployment rate ng bansa. (Doris Franche)