Ginang nagbigti

Dala ng matinding paninibugho dahil sa madalas na pag-uwi ng hatinggabi ng kanyang mister, isang ginang ang nagpatiwakal kahapon ng umaga sa Taguig City.

Patay na nang idating sa Rizal Medical Center ang biktimang si Guadalupe Molata, 31, ng Saint Mary St., Purok 14, Brgy. Signal Village ng nabanggit na lungsod.

Dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang mister na nakatali ang leeg ng nylon cord at nakasabit sa kisame ng comfort room ng kanilang bahay.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na naninibugho ang nasawi dahil sa madalas na gabing-gabi na umuwi ang mister na hinihinalang may kinalolokohan itong ibang babae. (Lordeth Bonilla)

Show comments