Isyu sa drug den nauwi sa pulitika

Magkikita na lamang umano sa korte ang kahahantungan ng usapin sa droga sa pagitan ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio at Pasig Cong. Robert ‘Dudut’ Jaworski Jr. matapos na kapwa nagbanta sa pagsasampa ng kaso laban sa isa’t isa.

Sinabi ni Eusebio na inutusan na niya ang kanyang legal counsel na si Atty. Carlos Abesamis, upang ihanda ang kasong isasampa laban kay Jaworski at titiyakin umano ng kampo nito na mako-convict si Dudut sa kasong libelo.

Dagdag pa nito na sasamahan niya ng lahat ng ebidensiya na kinakailangan ng kaso.

Samantala sa kabilang banda sinabi ni Jaworski na sasampahan niya ng administrative charges si Eusebio sa Ombudsman.

Ito ay upang mabatid umano ang katotohanan sa likod ng sinalakay na drug den sa Mapayapa Compound sa Brgy. Sto. Tomas may 500 metro ang layo sa city hall at headquarters ng police. (Edwin Balasa)

Show comments