Si Borja ay inimbitahan ng pulisya subalit pinawalan din bunga ng kawalan ng matibay na ebidensiya.
Ayon sa pulisya, kailangan na pag-aralang mabuti ang mga pahayag ni Borja dahil nagkakaroon umano ng inconsistency sa mga kuwento nito.
Isa sa iniimbestigahan ng pulisya ay ang pahayag nito sa umanoy paghawak niya sa kutsilyong ginamit sa krimen sa pag-aakalang nasa itaas pa ng bahay ang suspect.
Gayundin ang sinabi nitong nang makita niya ang duguang anak ay niyakap pa niya ito, subalit walang marka ng dugo at malinis na malinis ang damit nito. Bunga nito, posibleng isailalim sa psychiatric test si Borja matapos na isailalim ito sa drug at physical examination.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng nasa impluwensiya ng alak at droga ang suspect na nagmasaker sa mga biktimang sina Narcisa Elpidez, 65, biyuda, retired teacher, sa anak nitong si Jona Borja, 32; at apong si Juliana, 7-buwan.
Lumilitaw sa examination na nagtamo ng siyam na saksak sa katawan si Jona at limang pukpok ng martilyo sa ulo, habang nagtamo rin ng saksak sa dibdib at mata ang sanggol na si Juliana. Pinukpok din ito ng martilyo sa ulo. (Doris Franche)