^

Metro

3 kilabot na ‘robbers on wheels’ arestado

- Edwin Balasa -
Arestado ang tatlong kilabot na holdaper, isa sa mga ito ay sugatan makaraang makipagpalitan ng putok nang masukol ng pulisya, kamakalawa ng umaga sa Mandaluyong City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspect na sina Maximo Ogario, 50 na kasalukuyang ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center dahil sa tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng katawan; Redentor Balcos, 29, at Joey Rey dela Cruz, pawang mga residente ng Manila.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng E. de Leon at panulukan ng I. Lopez St., Bgy. New Zaniga, nabanggit na lungsod.

Nabatid na natyempuhan ng mga pulis ang mga suspect sakay ng isang kulay itim na Civic Honda na may plakang UEB-169 na napag-alamang isang ‘hot car’.

Mabilis na sinundan ng mga pulis ang mga suspect at nang mamalayan ito ng mga huli ay agad nilang pinaputukan ang mga una na naging dahilan upang magkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga ito.

Tinangka pa umanong tumakas nina Balcos at dela Cruz subalit nasukol din ang mga ito ng mga pulis.

Nakuha sa posesyon ng mga suspect ang dalawang kalibre .45 na mga baril, isang 9mm, 3 magazine at 21 live bullets.

Nabatid pa sa record ng pulisya na responsable ang mga suspect sa serye ng holdapan sa Manila at mga karatig lugar.

CIVIC HONDA

CRUZ

JOEY REY

LOPEZ ST.

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MAXIMO OGARIO

NABATID

NEW ZANIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with