^

Metro

Habambuhay sa parak na tulak

-
Hinatulan kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang dating pulis matapos mapatunayang nagkasala sa kasong drug pushing.

Bukod dito, pinagbabayad din ni QC-RTC Judge Severino de Castro ng Branch 82 ang akusadong si Rodante de Leon ng QC Police Station 7 ng halagang P.5 milyon bilang multa sa nabanggit na kaso.

Sa isa pa nitong kasong drug pushing, 12 taong pagkabilanggo naman ang parusang ipinataw dito ng korte at multang P300,000.

Sa rekord ng korte, si de Leon ay napatunayang nagkasala ng dalawang kaso ng drug pushing noong 2003 habang ito ay nasa serbisyo.

Nabatid na si de Leon ay nahuling hawak ang may 16 at 18 gramo ng shabu sa magkahiwalay na okasyon nang aktong nagbebenta ito ng bawal na gamot sa isang pulis na nagkunwang poseur buyer. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKOD

CRUZ

DRUG

HINATULAN

JUDGE SEVERINO

NABATID

POLICE STATION

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RODANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with