Ayon kay DepEd Officer in Charge Fe Hidalgo, nais niyang maging modelo si Cristina Bugayon, grade 6 student ng Tomas Morato Elementary School ng lahat ng mga tao hindi lang sa mga katulad niyang estudyante kundi sa iba pa dahil sa ipinamalas nitong katapatan.
Bukod sa isang taong supply na gamit sa eskuwela ay binigyan din ng pamunuan ng DepEd si Bugayong ng plaque bilang pagkilala sa kanyang huwarang ginawa.
Bukod sa pabuya ng DepEd ay inulan ng ibat-ibang pabuya si Bugayong mula sa ibat-ibang institusyon katulad sa libreng scholarship sa STI at computer package mula sa may-ari ng isinauling pera, bukod pa rito ang mga cash gift ng iba pang kompanya.
Matatandaang napulot ni Bugayong ang nahulog na pera at tseke na nagkakahalaga ng P300,000 mula sa kolektor ng isang kompanya ng computer noong Huwebes ng gabi sa Kamuning Quezon City. Hindi pinag-interesan ng bata ang halaga kundi ang ginawa ay pumunta ito sa istasyon ng radyo at ipinanawagan ang nawalan nito. (Edwin Balasa)