^

Metro

LTFRB chairman kinasuhan

-
Nahaharap na naman sa panibagong sakit ng ulo si Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairman Ma. Elena Bautista nang sampahan ito ng panibagong kaso ng transport leader na una nang ipinaaresto nito bunga ng pamemeke ng mga taripa at prankisa kamakailan.

Si Bautista ay una nang sinampahan ni Danilo Candaba, chairman ng Alabang Transport Service Cooperative , Inc. ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman noong Nobyembre 18, 2005.

Nakasaad sa panibagong dokumento na kinasuhan ni Candaba si Bautista noong Enero 2, 2006 ng walong counts ng serious misconducts at gross abuse of authority.

Bukod kay Bautista, kasama rin sa kinasuhan sina LTFRB NCR director Forencita Cuesta, OIC-chief TDO ng LTFRB Victor Lorenzo, LTFRB hearing officer Atty. Robert Peig; LTFRB Management Information Division Nida Quibic; LTFRB personnel Elizabeth Tandog at isang nagngangalang Eugenio Portuges.

Ipinaliwanag ni Candaba na kahina-hinala para sa kanila ang nagaganap sa LTFRB dahil ang lahat ng mga transaksyon ay pabor kay Portuges na kalaban niyang grupo sa ATSCI.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Bautista hinggil sa reklamo ni Candaba. (Doris Franche)

vuukle comment

ALABANG TRANSPORT SERVICE COOPERATIVE

BAUTISTA

CANDABA

DANILO CANDABA

DORIS FRANCHE

ELENA BAUTISTA

ELIZABETH TANDOG

EUGENIO PORTUGES

FORENCITA CUESTA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LTFRB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with