^

Metro

Makati police niratrat, patay

-
Patay ang isang Makati police, samantalang sugatan naman ang isang traffic enforcer makaraang pagbabarilin sila ng siyam na katao na hinihinalang mga holdaper na hinuli ng una dahil sa traffic violation, kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Apat sa siyam na suspect ang agad na naaresto ng mga awtoridad.

Patay na nang idating sa Makati Medical Center ang pulis na si PO3 Avelino Santos, nakatalaga sa Mobile Group ng Makati City Police Station sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.

Ginagamot naman sa nabanggit ding pagamutan si Rustico Garcia, ng Makati Public Safety Assistance (MAPSA) sanhi ng tinamong tama sa katawan.

Samantala, nakilala ang apat na nadakip na suspect na sina Felix Ponting, 24, construction worker; Allan Capuno, 28; Richie Sevilla, 28 at Roselyn Recablanca, 24.

Isang manhunt operation pa ang inilunsad ng pulisya sa lima pang nakatakas na suspect.

Sa ulat na tinanggap ni Makati City chief of police, Sr. Supt. Marieto Valerio, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa panulukan ng Pasong Tamo at J.P. Rizal Sts., sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na nagpapatrulya noon si PO3 Santos, kasama sina Garcia at isa pang pulis na nakilalang si Sgt. Infante sakay ng isang mobile patrol ng mamataan nila ang isang kulay green na Hyundai Grace na may plakang PYZ-126.

Hinabol ito ng mga pulis at sinita dahil sa traffic violation.

Nang inspeksiyunin ng mga awtoridad ang sasakyan ay agad na bumunot ng baril ang isa sa mga suspect at pinaputukan ang mga biktima.

May hinala ang pulisya na may balak na mangholdap ang mga suspect at naunsiyami ito nang masita ng mga pulis.

Matapos ang pamamaril ay nagkanya-kanya ng takas ang mga suspect at ang apat dito ay agad na nadakip ng mga awtoridad.

Nasamsam sa mga nadakip ang limang piraso ng cal .38 at isang granada. Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga nadakip. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN CAPUNO

AVELINO SANTOS

FELIX PONTING

HYUNDAI GRACE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE STATION

MAKATI MEDICAL CENTER

MAKATI PUBLIC SAFETY ASSISTANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with