Madugong Christmas party: 2 patay
December 24, 2005 | 12:00am
Kapwa patay ang dalawang kalalakihan makaraang magsaksakan matapos ang mainitang pagtatalo sa gitna ng kanilang inuman matapos ang kanilang Christmas party, kahapon ng madaling-araw sa San Juan, Metro Manila.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jeason Reanon, 30, karpintero, residente ng Pagsanjan, La-guna at Nilo Agoring, 35, security guard, ng Zone 28 Visayas Hills Old Balara, Quezon City.
Ayon kay Supt. Rodelio Jocson, hepe ng San Juan police naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa harap ng Jo-Liza Art and Furniture na matatagpuan sa kahabaan ng Pasadeña St., Brgy. Pasadeña ng nabanggit na bayan kung saan parehong dito nagtatrabaho ang dalawa.
Sa gitna ng inuman ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi malamang kadahilanan hanggang sa magsuntukan.
Nag-unahan pa ang mga ito sa pagpasok sa kusina ng kanilang pinagtatrabahuhan at kapwa kumuha ng patalim at saka nagsaksakan.
Napag-alaman na naunang napatay ni Reanon si Agoring subalit dahil sa dami ng saksak nito sa katawan ay hindi na nito nakuhang makatakas at namatay din habang isinugod sa pagamutan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest