Tindahan ng nakaw na cellphone ni raid
December 10, 2005 | 12:00am
Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) ang 10 stalls na umanoy nagbebenta ng mga nakaw na cellphones sa loob ng isang shopping mall sa Quezon City.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni QCRTC Judge Alexander Balut, pinasok ng mga tauhan ni Sr. Supt. Roger James Brillantes ang Stall nos. 3, 5, 8, 10, 12, 14, 15, 16, 17 at 18 dakong alas-9:10 ng gabi sa ikalawang palapag ng Ever Gotesco sa Commonwealth Ave., Quezon City.
Nakuha naman dito ang ibat ibang mga unit ng Nokia cellphone, batteries at charger. Kasalukuyan itong sumasailalim sa inventory ng pulisya.
Ayon kay Brillantes, ang kanilang pagsalakay ay bunsod na rin ng mga reklamo sa kanilang tanggapan na sa nasabing lugar dinadala ang mga nakaw na cellphone. Aniya, maging ang mga biktima ng snatching at holdap ay nagsasabing ito umano ang lugar ng bagsakan ng mga nakaw na cellphone. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am