^

Metro

Ginang tumalon sa flyover, kritikal

-
Matapos na madismaya sa buhay, isang 35-anyos na ginang ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa isang flyover na may 30 talampakan ang taas, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Inoobserbahan pa sa Ospital ng Maynila ang maselang kalagayan ng biktimang si Charito Flores, ng Camachili Drive, Quezon City makaraang magtamo ng multiple injuries.

Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-2:15 ng madaling araw sa flyover sa may panulukan ng Gil Puyat at South Super Highway, South bound lane, Makati City.

Nabatid na may subong kutsara ang biktima at palinga-linga ito at nang sitahin para pagsabihang umalis sa naturang lugar dahil delikado ay bigla itong sumampa sa bakod ng tulay at patalikod itong tumalon. Bumagsak ito sa isang kotse.

Inakalang patay na ang biktima, subalit nang lapitan ng rescue team ay nakitang gumagalaw pa ito kaya mabilis na dinala sa nabanggit na pagamutan.

Sa teorya ng pulisya posibleng nadismaya sa buhay ang biktima kaya nagtangka itong magpakamatay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUMAGSAK

CHARITO FLORES

GIL PUYAT

INAKALANG

INOOBSERBAHAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MATAPOS

QUEZON CITY

SOUTH SUPER HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with