Patay na nang idating sa Nodado Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo si Felipe Cando, 47, ng Phase 10B Package 5, Block 56 Lot1, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagmamando sa loob ng kanyang bilyaran ang biktima nang sumulpot ang suspect at walang sabi-sabing binaril ang una.
Agad na tumakas ang suspect habang mabilis naman na dinala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.
Isang masusing imbestigasyon pa rin ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Rose Tamayo)