Parak binoga, patay
December 1, 2005 | 12:00am
Pagkaubos ng dugo ang ikinamatay ng isang pulis matapos mabaril sa kaliwang binti ng isang sinasabing lider ng sindikato ng ilegal na koneksyon ng kuryente, habang ang una ay nakaalalay sa isang empleyado ng Manila Electric Company (Meralco) na namumutol ng mga ilegal na kawad, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital si PO1 Wilfredo Olasiman, 26, nakadestino sa Police Community Precinct 3 ng Malabon City Police.
Pinaghahanap naman si Edwin Dulfo, sinasabing lider ng sindikato ng mga illegal connection ng kuryente sa kanilang lugar sa Brgy. Catmon ng nasabing lungsod.
Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa Dulong Hernandez ng nabanggit na lugar.
Napag-alaman na nakabantay ang biktima sa isang empleyado ng Meraclo na namumutol ng ilegal na linya nang biglang sumulpot ang suspect at agad na binaril ang pulis.
Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang ginawang pamamaril habang agad namang dinala sa pagamutan ang pulis kung saan hindi rin ito nakaligtas makaraang maubusan ng dugo. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest