2 nilasing muna saka kinatay ng kumpare

Patay na nang matagpuan ang magpinsang nilasing muna bago kinatay ng kanila umanong kumpare, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima na sina Jamal Sancupan, 45; at Dagura Bonaza, 34, na tadtad ng saksak sa katawan at ang isa sa mga ito ay may tama pa ng baril sa noo sa loob ng bahay ng kanilang kumpare na nakilalang si Mario Castillo, alyas Joel Tirador, na matatagpuan sa 32 Mustasa St., Tumana, Brgy. Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman sa mga kapitbahay na kamakalawa ng gabi ay nakitang nag-iinuman ang suspect at mga biktima na sinasabing dayo lang sa nasabing lugar sa loob ng nasabing bahay at nang malasing ang mga ito ay pinatulog pa ng una ang mga huli sa loob ng kuwarto. Laking pagkabigla na lang ng mga residente ng nasabing lugar nang tumambad sa kanila kinaumagahan ang bangkay ng mga biktima na tadtad ng saksak at naliligo sa dugo. (Edwin Balasa)

Show comments