^

Metro

9 paslit dinukot

- Rose Tamayo-Tesoro -
Siyam na bata ang magkakasabay na naglaho na parang bula habang ang mga ito ay naglalaro sa labas ng kani-kanilang bahay na pinaniniwalaang tinangay ng grupong tinaguriang "Kids for Sale" na gumagala, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang tatlo sa nawawala na si Jomar Mariano, 6; kapatid nitong si Jomel, 5 at Mark Joseph Alipogpog, 6, habang ang anim ay patuloy pang kinikilala ng mga awtoridad. Ang mga biktima ay pawang mga residente sa Julian Felipe Extension, Sangandaan ng nasabing lungsod.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang magkakasabay na tinangay ang mga biktima habang naglalaro ang mga ito sa labas ng kanilang bahay.

Ayon kay Supt. Alfredo Corpuz, District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng NPDO na base sa ulat masaya umanong naglalaro ang mga bata nang magsidatingan ang isang grupo ng lalaki na may kasamang mga babae.

Ayon sa mga nakasaksi, kinausap ng mga suspect ang mga bata hanggang sa magsisama ang mga ito sa kanila at hindi na muling nakauwi pa sa kanilang bahay ang mga bata.

May teorya naman ang mga awtoridad na ang mga suspect ay ang grupong gumagala sa Metro Manila na tinatawag na "Kids for Sale" na tumatangay ng mga bata upang ibenta. Ang grupo rin umano ay responsable sa pagbebenta ng mga organ ng mga paslit sa mga pagamutan upang ipalit sa mga may sakit na mayayaman.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Corpuz sa mga magulang na huwag pabayaang maglaro ng walang nagbabantay sa kanilang mga anak upang hindi na madagdagan pa ang mga nawawalang paslit.

vuukle comment

ALFREDO CORPUZ

AYON

CALOOCAN CITY

CORPUZ

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

JOMAR MARIANO

JULIAN FELIPE EXTENSION

MARK JOSEPH ALIPOGPOG

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with