^

Metro

Bahay inararo ng truck: Paslit patay, 8 sugatan

-
Isang 3-anyos na batang lalaki ang nasawi, habang walo pa ang iniulat na nasugatan kabilang ang ina nitong pitong-buwang buntis makaraang salpukin ng isang trailer truck ang kanilang bahay habang ang mga biktima ay natutulog kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Nasawi noon din ang biktimang si Sandrin Peñalosa, habang ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang ina nitong si Useisan, 22; kapatid na si Chrisaysan, 1 taong gulang, mga tiyuhing sina Jeffrey, 16; Alvin Peñalosa, 14; at isa pang tiyuhin at ang lola na hindi kaagad nakuha ang pangalan.

Sugatan at ginagamot din sa nabanggit na pagamutan sina Jose Manares, 60; at pahinante nitong si Gerri Sierra, 53.

Mabilis namang tumakas ang driver ng trailer truck na may plakang TAC-582.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa ilalim ng Magallanes Interchange, PNR Site sa harapan ng Magallanes Village, Makati City.

Nabatid na galing ang naturang trailer truck sa southern area at habang binabagtas nito ang northern bound lane sa nabanggit na lugar ay unang ginitgit at sinalpok nito ang isang Isuzu Elf na may plakang WPU 411 na minamaneho ni Manares kasama ang pahinante nitong si Sierra.

Tuluyang nawalan ng preno ang truck at sinalpok naman ang bahay ng pamilya Peñalosa kung saan mahimbing na natutulog ang mga biktima.

Sa ngayon ay nasa impounding area na ng Southern Traffic Enforcement Unit ang nasabing truck at tinutugis ngayon ang tumakas na driver nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALVIN PE

GERRI SIERRA

ISUZU ELF

JOSE MANARES

LORDETH BONILLA

MAGALLANES INTERCHANGE

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

SANDRIN PE

SOUTHERN TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with