Ito ang natuklasan ng House Committee on Justice nang magsagawa ng inspeksyon sa ibat-ibang kulungan sa bansa kaugnay sa House Resolution No. 986 na naglalayong magrekomenda ng mga penal reforms.
Nasa 8,700 lamang ang dapat na kapasidad ng NBP pero 18, 673 na ang populasyon ng mga preso sa pinakahuling inspeksyon na isinagawa nitong Oktubre.
Napakaliit din ng pondo para sa pagkain ng mga inmates na umaabot lamang sa P40 kada araw. Natigil na rin ang adult education dahil sa kakulangan ng pondo.
Sa buwan ng Oktubre, ang kabuuang inmates sa ilalim ng Bureau of Corrections ay 29,720.
Mayroon naman 1,175 death convicts kung saan 35 ang babae, 11 ang nasa 70-anyos pataas at 18 ang menor-de-edad. Dalawamput walo sa mga ito ay may kapansanan kung saan anim ang may sakit sa pag-iisip.
Ayon kay Deputy Majority Floor Leader Edcel Lagman, sa isinagawang konsultasyon hinikayat ng mga death row inmates ang Kongreso na tuluyan nang ibasura ang death penalty.
Naobserbahan din ng komite na may mga bilanggo ang tuluyang nagbago sa loob ng kulungan at maaari nang bigyan ng parole. (Malou Rongalerios)