57 timbog sa saturation drive

Limampu’t pitong katao ang dinakip ng mga tauhan ni Chief Insp. Rodolfo Jaraza ng Quezon City Police District-District Police Intelligence Unit sa isinagawang saturation drive sa mga kriminal kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Nakilala ang dalawa dito na sina Tomas Mangaporo, 48 at AWOL na pulis na si PO3 Apolinar Bentazo.

Ayon kay QCPD-Baler Police Station chief Supt. Raul Petrasanta, dakong alas-12 ng gabi ng isagawa ang saturation drive sa mga hinihinalang kriminal sa Apollo St. West Riverside, Brgy. del Monte.

Nabatid na nakatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa mga nakawan, patayan at paggamit ng droga sa nasabing lugar.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad hanggang sa masakote ang mga ito. (Doris Franche)

Show comments